Ako ay nagtataka sa ating buhay,
Bakit ang daming problema.
Parang isang nakakapanghinang latay,
Na hindi maaawat pa.
Sino ang makakaiwas sa problema,
Ang mga madasalin ba?
Kahit na ang presidente na si Obama,
Kahit pa si Pacman na nasa may lona,
Ay tiyak na hindi matatakasan pa!
Lahat ng tao, maging hayop ay mayroon,
Kaya wag nang problemahin,
Ito ay isang napakalakin hamon,
Na dapat nating harapin!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment