Matatapos na ang araw na ito,
Wala pa ring nangyari;
Bakit ba ang buhay ay ganito,
Parang ako lang mag-isa sa isang tabi.
Di man lang ako napansin,
Katatapos ko na nga kumain,
Tapos tumingin ako sa salamin,
Ngunit talagang ganun pa rin.
Talagang nakapagtataka ang buhay,
Parang nabuhay na isang kalansay;
Kahit na marami itong latay,
Ito ay bumangon sa pagkamatay.
Kailan nga ba ako masisikatan,
Ng araw na talagang napakaliwanag,
Na kahit na ito ay takbuhan,
Dahil sa puso ko ay ito ay sobrang labag.
Matatapos na ang araw,
Ngunit puso ko ay nananatiling lusaw;
Sana ay ako na lang ay maligaw,
Sa isang gubat na totoong matanglaw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment