Ano pa ba ang mas sasaya pa?
Sa samahan naming barkada!
Wala nang hahadlang pa,
Kapag sumugod na ang tropa!
Refrain
Araw- araw ay inuman,
Sasamahan pa ng tawanan,
Kanya- kanyang kwentuhan,
Walang tatalo sa aming samahan!
Chorus
Hinding- hindi mangiiwan,
Sasamahan kahit saang laban;
Wag kang mangangamba,
Di ka nag-iisa!
Stanza 2
Kapag walang magawa sa kalye
Sa bilyaran umaatake,
Magsusugal sa bakanteng lote,
Mag- babasketball ng arang tae!
Refrain
Araw- araw ay inuman,
Sasamahan pa ng tawanan,
Kanya- kanyang kwentuhan,
Walang tatalo sa aming samahan!
Chorus
Hinding- hindi mangiiwan,
Sasamahan kahit saang laban;
Wag kang mangangamba,
Di ka nag-iisa!
Bridge
Hinding- hindi kami mabubuwag,
Tropa forever nga ang tawag,
Panahon ay lumilipas,
Pagkakaibigan ay di kukupas!
Chorus
Hinding- hindi mangiiwan,
Sasamahan kahit saang laban;
Wag kang mangangamba,
Di ka nag-iisa!
Composed by: Jiggs Oblea

0 comments:
Post a Comment