Kailan nga ba matitikman;
Ang karangyaang pinapangarap?
Wala pang pinag-aralan,
Dahil di maangat sa hirap.
Noodles, pangtawid gutom;
Kape pang tanggal uhaw,
Minsan pa nga ay marumi na ang iniinom,
Kinakain din ay nilalangaw.
Paano sila lulusog?
Kung kinakain ay walang sustansya?
Para silang binubugbog,
Ng mapaglarong tadhana.
Isang madungis na kabataan
Ika nga ng iba,
Paano uunlad ang mga yan;
Kung di natin tutulungan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment