Maraming salamat sa'yo,
Sa mga pag-alaala mo,
Di ka nangiiwan,
Kaya ikaw ay aking pasasalamatan.
Marami na akong pinagdaanang pagsubok,
Ako ay halos bumigay at muntikan ng tumaob;
Ngunit bigla kang pumasok,
Sa buhay kong pinanghihinaan na ng loob.
Ako ay lagi mong pinapangiti,
Bawat oras, minuto at sandali,
Tuwing ako ay walang gana,
Ikaw ay andyan para ako ay mapasaya.
Mas importante ka sa akin kung akala mo lang,
Kainin man ako ngayon ng nagugutom na tikbalang,
Ako ay hindi nag sisinungaling,
Napaka-importante mo para sa akin.
Hinding- hindi kita makakalimutan,
Lalu na ang araw ng ating mga kulitan;
Lalung- lalu na ang mga tawanan,
Sa bawat oras ng ating kasiyahan.
Bakit mo ba ako binibigyan ng maraming oras?
Mas mahalaga ba ako sa dati mong kagawian?
Ako ay labis talagang lumalakas,
Kapag naiisip ko ang kaisipang iyan.
Hindi na talaga maikukubli,
Na ako ay laging natutuwa,
Sa bawat maiikling oras at sandali,
Na ikaw ay aking nakakasalamuha.
Sige na ito na matatapos na,
Sana ay iyong nagustuhan,
Basta lagi mong tatandaan ha,
Na ako ay laging mong maaasahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment