Hay naku Juan Dela Cruz,
Tignan mo ang nangyayari sa mga tao;
Di ba sapat ang ginawa ni Jesus?
Sinakripisyo ang buhay para sa tao.
Maraming namamatay kada araw,
Dahil sa mga trahedyang nakakapinsala;
Maraming nakapapatay,
Dahil sa kahirapang malala.
Hindi maitatanggi ang kamalian ng mga tao,
Maraming suwail at lapastangan,
Hindi ba pwedeng mabuhay ng maayos tayo?
At punong- puno ng pagmamahalan?
Tignan natin ang Pilipinas ngayon,
Mas maganda ba kaysa noon?
Ako ay di sumasang- ayon,
Dahil pagmamalasakit sa kapwa ay di na- baon.
Sana ay magkaisa na ang mga Pilipino,
Walang suwaang sana sa mga pulitiko.
Ating gawin ang bansang mapagmalasakit sa tao,
Upang, upang, upang umunlad TAYO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment